Home ENTERTAINMENT Vivamax, nagpa-party sa 12M subs, pinalitan na ng VMX!

Vivamax, nagpa-party sa 12M subs, pinalitan na ng VMX!

Manila, Philippines- Gaya ng inaasahan ay umulan na naman ng mga Vivamax sexy stars sa 12M subs pa-party na ginanap sa Viva cafe.

Bukod sa nagkaroon ng gashion shows ay ini-launch din ang 12 VMX sex sirens.

Una, nasa celebratory mode ang lahat sa VMX (Vivamax) dahil may bago itong naabot na milestone nang nakakuha ito ng 12 million subscribers na!

Sa ilang taon na pagpo-produce ng Vivamax ng mga exciting ay kontrobersyal na mga istorya, marami na itong nahikayat na mga audience. Tinupad rin ng platform ang pangako nito na mag-release ng mga kaabang-abang na content linggo-linggo at patuloy na nag-entertain sa mahabang listahan nila ng mga nakakaintrigang original movies.

We must admit na binago talaga ng Vivamax ang viewing habits ng milyun-milyong tao saan man sa mundo.

Kasabay nito ay nagkaroon na nga ang Vivamax ng bagong logo. Vivamax is now “VMX.”

Ang logo na ito ay may bagong itsura at bagong statement pero nanatili pa rin ang brand identity na kilalang-kilala na ng marami.

FYI, ang VMX ay nagkaroon na ng theatrical release sa Unang Tikim, na pelikula ni Roman Perez Jr. at pinagbidahan nina Robb Guinto, Matt Francisco at Angeli Khang.

Magkakaroon muli ito ng theatrical release mula naman sa direksyon ni McArthur C. Alejandre, ang Celestina: Burlesk Dancer.

Hindi lang sa pagiging streaming platform naging successful ang VMX dahil ang ilang VMX stars ay nakilala, nagkaroon ng following, at mapapanood na rin sa mainstream media.

Sina Angeli Khang at Salome Salvi ay naging parte ng primetime series ng GMA Network na “Black Rider,” si Quinn Carrillo ay naging parte rin ng GMA Primetime series na “Asawa Ng Asawa Ko,” si Christine Bermas naman ay isa na ngayon sa mga host ng variety game show ng TV5 na Wil To Win at kamakailan ay napanood din si Azi Acosta sa hit primetime serye ng TV5 na “Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa.”

Bukod dito ay magkakaroon din ng search sa maging next big VMX Star.

Isang kompetisyon para sa mga dalagang edad 18 hanggang 21, layunin ng talent search na ito na mahanap ang star in the making na handang sumabak sa mature roles at bumida sa maraming pelikula ng VMX.

Sa celebration ng VMX ay nagkaroon ng Project X: VMX Fashion Show na pangungunahan ng 14 VMX artists – sina Rica Gonzales, Sahara Bernales, Robb Guinto, Angela Morena, Micaella Raz, Stephanie Raz, Mariane Saint, Jenn Rosa, Apple Dy, Dyessa Garcia, Audrey Avila, Skye Gonzaga, Aiko Garcia, at Zsara Laxamana.

Inspired sa glitz and glamour ng iconic na Victoria’s Secret Fashion ang event na ito.

Ang Project X: VMX Fashion Show ay ponangunahan nina celebrity choreographer Jobel Dayrit at award-winning director, Paul Alexei Basinillo. JP Ignacio