Home NATIONWIDE Mga guro, staff ‘frontliners ng demokrasya’ – DepEd

Mga guro, staff ‘frontliners ng demokrasya’ – DepEd

259
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang higit 660,000 guro at kawani ng pampublikong paaralan na nagsilbi sa midterm elections noong Mayo 12, at tinawag silang “frontliners ng demokrasya.”

Dahil sa inyo, naging maayos at ligtas ang proseso. Kayo ang tunay na ka-team sa Bagong Pilipinas,” ani Angara.

Ayon sa DepEd, umabot sa 758,549 ang kabuuang poll workers sa buong bansa.

Naitala rin ng DepEd Task Force ang 603 isyu kaugnay ng eleksyon tulad ng mga sirang makina at problema sa balota, karamihan mula sa Metro Manila at BARMM.

Naresolba ang mga ito sa pakikipagtulungan sa COMELEC at iba pang ahensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here