Home HOME BANNER STORY ‘Unity’ panawagan ni PBBM sa katatapos na eleksyon

‘Unity’ panawagan ni PBBM sa katatapos na eleksyon

MANILA, Philippines – Umapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal na opisyal na magkaisa at makipagtulungan sa pamahalaan matapos ang midterm elections ng 2025.

“Ang pamamahala ay isang kolektibong responsibilidad… Magkaisa tayo tungo sa iisang layunin,” ani Marcos.

Nagpasalamat din siya sa mga botanteng Pilipino.

“Muling isinabuhay ng ating demokrasya ang sarili — mapayapa, maayos, at may dangal.”

Binigyang-diin ni Marcos ang mga hamong kinahaharap ng bansa tulad ng implasyon at kawalan ng trabaho, at nanawagan sa mga halal na lider na tugunan ito agad. Anim sa nangungunang 12 senador ay mula sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Pinasalamatan din niya ang mga natalong kandidato.

“Ang inyong tapang na manindigan para sa serbisyo publiko ay lubos na iginagalang.” Nanawagan siya ng pagkakaisa, sa pagsipi sa kanyang ama: “Dapat tayong magtagumpay bilang mga Pilipino… bilang isang pamilyang nagkakaisa.” RNT