MANILA, Philippines – BUKAS ang pintuan ng mga pampublikong paaralan ng Department of Education (DepED) sa mga gurong pinoy sa Gitnang Silangan at sa iba pang panig ng mundo.
“Sa mga gurong Pilipino sa Gitnang Silangan at sa iba pang panig ng mundo, bukas ang pintuan ng ating mga pampublikong paaralan para sa inyo. Kung magpapasya kayong umuwi, kasama ninyo ang DepEd sa panibagong yugto ng inyong paglilingkod,” ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara.
Muling pinagtibay ng DepEd ang suporta nito para sa mga gurong pinoy sa Gitnang Silangan na maaaring maapektuhan ng security situation.
Tiniyak ni Angara sa mga ito na available ang ‘reintegration pathway’ sa public school system ng bansa.
Ayon sa DepEd, maaaring mag-apply ang mga magbabalik-Pinas na mga guro sa ilalim ng Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir (SPIMS) Program, isang reintegration initiative na ipinatupad sa pakikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW).
Binigyang diin ng kalihim ang commitment ng departamento na tulungan ang mga guro na mas piniling bumalik ng Pilipinas.
Sa ilalim ng SPIMS Program, ang mga kuwalipikadong alikante ay maaaring matanggap bilang Teacher I na may permanent status, kailangan lamang na tumalima sa qualification standards at umiiral na hiring guidelines.
Ang inisyatiba ay pinangunahan ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) sa ilalim ng DMW, sa pakikipag-ugnayan sa mga partner agency niton gaya ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Winika ng DepEd na ang programa ay naglalayon na tiyakin ang institutional coordination para sa isang ‘structured at orderly transition’ para sa mga magbabalik na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa public education system.
“Specifically, SPIMS seeks to: Provide gainful employment to returning OFWs who are Licensure Examination for Teachers (LET) passers; Help address teacher shortages in support of the K to 12 curriculum; and Offer online refresher courses for educators who may need to update their pedagogical competencies,” ayon sa DepEd.
“To qualify for the program, applicants must: Be Filipino citizens or Philippine passport holders;
Be LET passers; Have at least one year of teaching experience within the last five years; and
Have not resided in the Philippines for more than three consecutive years based on their latest arrival record. Applicants are advised to coordinate with the DMW or NRCO through official channels for guidance on application procedures and documentary requirements.” ayon pa rin sa DepEd.
“Required documents include a valid PRC ID, Certificate of Board Rating, and proof of employment abroad,” dagdag ng departamento.
Samantala, kinikilala naman ng DepEd ang mahalagang kontribusyon ng mga gurong filipino at nananatiling committed na palakasin ang ‘teacher workforce’ sa bansa habang nagbibigay ng support mechanisms para sa mga guro, kapuwa sa Pilipinas at ibang bansa. KRIS JOSE