Home NATIONWIDE Mga hakbang ipinatutupad ng gobyerno para mapigilan jet fuel shortage – Malakanyang

Mga hakbang ipinatutupad ng gobyerno para mapigilan jet fuel shortage – Malakanyang

108
0

MANILA, Philippines – Ipinatutupad ng gobyerno ang mga hakbang para pigilan ang posibleng jet fuel shortage sa gitna ng ‘global uncertainties.’

Ang pagtiyak ay inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang kasunod ng Civil Aeronautics Board’s (CAB) adjustment sa fuel surcharge levels, mula Level 8 sa first half ng Abril ay naging Level 19 pagdating sa second half ng buwan.

Ani Castro, ang situwasyon ay mahigpit na minomonitor at regular na iniuulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Lagi naman po na inuulat sa Pangulo ito at lahat po ng paraan ay ginagawa po para po hindi magkulang ang supply ng produktong petrolyo sa atin,” ayon kay Castro.

Tinukoy ang impormasyon mula sa Department of Energy, sinabi ni Castro na wala namang umiiral na government subsidy sa aviation fuel.

Ang paliwanag ni Castro, ang fuel surcharges ay regulated ng CAB.

“The allowable aviation fuel surcharge is set by the Civil Aeronautics Board, not by airlines themselves,” aniya pa rin.

Sa gitna ng tumataas na fuel surcharges at alalahanin sa global supply constraints, sinabi ni Castro na ang developments sa Gitnang Silangan ay maaaring makaapekto sa fuel supply at presyo.

“Iyan din po ang naiulat noon na maaring maging resulta iyan dahil sa kinakaharap natin krisis dito sa Middle East,” ang tinuran ni Castro.

Sa kabila ng pinakabagong kaganapan, siniguro naman ni Castro sa publiko na ang gobyerno ay nagsasagawa ng mga proactive na hakbang. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here