MANILA, Philippines – Tinutukan umano ng laser devices ng ilang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mga helicopter na gamit ng Philippine National Police (PNP) para tugisin ang kanilang nagtatagong lider na si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Police Regional Office 11.
Sa video na ipinost sa Facebook nitong Huwebes, Agosto 29, sinabi ni PRO 11 spokesperson Police Major Catherine dela Rey na mapanganib ang mga aksyong ito ng ilang KOJC members.
“The PNP strongly condemned the recent actions of KOJC members who have been using laser devices against PNP helicopters,” ani Dela Rey.
“Such behavior is a direct threat to the safety and operational effectiveness of our law enforcement aviation units. The use of lasers against aircraft is not only dangerous but also a clear violation of aviation safety regulations and legal standards,” dagdag niya.
Hinimok ni Dela Rey ang mga miyembro ng KOJC na tigilan na ang mga ganitong aksyon para sa seguridad ng lahat ng panig at ipinuntong ginagawa lamang ng PNP ang kanilang tungkulin.
Wala rin umanong makikinabang sa anumang pagharang at pagpapabagal ng operasyon ng pulisya.