MANILA, Philippines – NAGPAABOT ng kanyang suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes, sa anim na atletang Filipino na magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2024 Paris Paralympics Games.
“Your commitment to your training as elite athletes, despite the challenges you face, exemplifies the spirit of the Filipino people,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.
Para sa Pangulo, lahat ng mga ito ay ‘champions’ sa mata ng buong bansa.
“No accolade, praise, or reward can truly return the pride you bring to our country. As you take on the world stage at the Paralympics, remember that the whole nation is with you, supporting you every step of the way,” dagdag na wika nito.
Ang hiling lamang ni Pangulong Marcos sa mga Paralympians na sina Allain Keanu Ganapin, Angel Mae Otom, Agustina Maximo Bantiloc, Cendy Asusano, Ernie Gawilan, and Jerrold Pete Mangliwan, ay “compete with the heart of Filipino warriors and show the world the strength of our people.”
Ang Paralympics delegation ng bansa ay umalis noong Agosto 11 para sa Paris para sa palaro na gagawin mula August 28 hanggang September 8.
Ang Paralympic Games ay nagbukas mahigit dalawang linggo matapos ang Paris Olympics, kung saan nakasungkit ang Pilipinas ng dalawang gintong medalya na kortesiya ni gymnast Carlos Yulo at dalawang bronze medals mula sa boxers na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio. Kris Jose