MANILA, Philippines – Patuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pitong pasahero mula sa lumubog na motorbanca sa Caluya Island Antique.
Ang MBCa Ure Mae at isa pang motorbanca ay umalis ng Boracay Island na may sakay na 20 mga indibidwal patungong Caluya, Antique madaling araw noong Àgosto 20.
Sa kalagitnaan ng kanilang byahe, nakaranas ng malaking alon ang nasabing banka na naging dahilan ng paglubog nito.
Nagpalutang-lutang ang ilang pasahero kung saan dalawa rito ang nakalangoy patungo sa dalampasigan ng San Jose, Romblon na agad nakahingi ng tulong.
Mabilis na rumesponde ang mga Rescuers at nasagip ng PCG at mga kawani ng San Jose MDRRMO ang sampong pasahero, tatlo ang namatay habang pito ang hindi na nakita.
Umaapela ang PCG sa mga sasakyang pandagat at mga nakatira sa coastal barangay na agad ireport sa kanila sakaling may nakitang mga pasahero ng lumubog na bangka. Jocelyn Tabangcura-Domenden