Home NATIONWIDE Mga kaanak ng missing sabungeros nanawagan sa DOJ, Gretchen at Alpha group...

Mga kaanak ng missing sabungeros nanawagan sa DOJ, Gretchen at Alpha group isama sa kaso

200
0

MANILA, Philippines – Muling dumulog sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng missing sabungeros para hilingin na isama sa kakasuhan ng korte ang aktres na si Gretchen Barretto at mga miyembro ng ‘Alpha group”.

Nitong Lunes, Enero 5, naghain ng mosyon ang mga kaanak ng missing sabengeros laban sa ilang personalidad na idinadawit sa kaso.

Ayon kay Jaja Pilarta, kaanak ng isa sa biktima, nais nilang makasuhan na din sina Gretchen Barretto at iba pang umano’y miyembro ng tinaguriang Alpha Group.

Giit ng mga kaanak ng mga biktima, ang nasabing mga personalidad ay may direktang kinalaman sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang Department of Justice para pakasuhan ang negosyante at umano’y mastermind na si Charlie “Atong” Ang at iba pang dawit sa kaso.

Hindi naman nakasama sa inirekomendang kasuhan ang aktres bagama’t naging respondents ito sa reklamong inihain ng mga kaanak sa DOJ. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here