Home NATIONWIDE Mga kababaihan, kinilala ni PBBM sa International Women’s Day

Mga kababaihan, kinilala ni PBBM sa International Women’s Day

163
0

MANILA, Philippines – Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang naging ambag ng mga kababaihan sa lipunan at mundo ngayong International Women’s Day.

Kaya nga ang pangako ng Pangulo ay makakaasa ang mga ito na magbibigay siya ng mas maraming oportunidad para sa kababaihan na mamuno at kilalanin ang kanilang potensyal.

Sa naging mensahe ng Pangulo na naka-post sa social media, araw ng Linggo, binigyang diin ng Chief Executive ang maraming papel ng mga kababaihan sa lipunan mula sa pangangalaga sa pamilya hanggang sa trabaho at pampublikong buhay.

“On International Women’s Day, I want to recognize the Filipino woman. She is a mother, a worker, a leader, and often, she is all of these at the same time,” ang sinabi ng Pangulo.

“The progress of our nation will always carry the imprint of the Filipina, and she deserves a government that works as hard as she does,” aniya pa rin.

Kaya nga, sinabi ng Pangulo na patuloy niyang isusulong ang mga programa na magbibigay kapangyarihan sa mga kababaihan at titiyakin na mayroong access ang mga ito sa mahahalagang to essential government services.

“Under this administration, we will continue to expand opportunities, protect rights, and ensure that every Filipina has access to the health, education, and livelihood programs she needs to thrive,” ang winika ng Pangulo.

Samantala, ipinagdiriwang ang International Women’s Day tuwing Marso 8 bilang pagkilala sa mga tagumpay ng kababaihan sa lipunan, ekonomiya, kultura at politika at bilang panawagan upang pabilisin ang pagkakapantay-pantay ng kasarian. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here