Home NATIONWIDE Mga kababaihan may libreng sakay sa MRT sa Marso 8

Mga kababaihan may libreng sakay sa MRT sa Marso 8

150
0

MANILA, Philippines — Mag-aalok ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan sa mga itinakdang oras sa Marso 8 bilang pagdiriwang ng International Women’s Day.

“In support of the celebration of International Women’s Day on March 8, 2026, DOTr-MRT 3, led by GM Michael J. Capati, offers #FreeRide for all women,” ayon sa advisory ng MRT-3.

Ayon sa pamunuan ng tren, maaaring makasakay nang libre ang mga kababaihan mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

“This is a simple way of showing gratitude and recognizing the important contributions of every woman to our society,” dagdag nito. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here