Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price hike, umarangkada na!

Bigtime oil price hike, umarangkada na!

160
0

MANILA, Philippines – Sumirit na ang presyo ng produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 3, 2026 sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Umabot sa P1.90 kada litro ang itinaas sa gasolina, P1.20 naman ang diesel, at P1.50 ang kerosene.

Ito na ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas ng diesel at kerosene, at ikawalong sunod na dagdag-presyo para sa gasolina.

Mula sa simula ng taon, umakyat na ng P4.80 kada litro ang gasolina, P8.20 ang diesel, at P6.20 ang kerosene.

Ang panibagong oil price hike ay kasunod ng malawakang airstrike na inilunsad ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran nitong weekend na ikinasawi ni Ayatollah Ali Khamenei, ang matagal nang supreme leader ng Iran.

Gumanti naman ang Iran sa pamamagitan ng serye ng pag-atake sa iba’t ibang bansa sa Middle East na may mga base militar ng Estados Unidos, kabilang ang Bahrain at United Arab Emirates. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here