Home NATIONWIDE Iran walang proxy state sa SE Asia; Pinas ligtas sa ganti –...

Iran walang proxy state sa SE Asia; Pinas ligtas sa ganti – AFP

165
0

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP)na walang proxy state o non-state actor ang Iran sa Southeast Asia at wala umanong kapani-paniwalang banta sa Pilipinas sa kabila ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, AFP spokesperson for the West Philippine Sea, nananatiling rehiyonal ang saklaw ng sigalot.

“What is happening in the Middle East right now is a regional conflict,” pahayag ni Trinidad sa sidelines ng Philippines-India defense industry forum sa Makati City.

“Iran has been attacking the Gulf states within the range of her missile capability—2,000 kilometers. We are 7,500 kilometers away. So, wala tayong threat,” dagdag niya.

Sinabi ni Trinidad na walang “proxy state or non-state actor” ang Iran sa Southeast Asia na maaaring “be used as a staging area” para sa pag-atake.

Ipinaliwanag din niya na maging ang pinakamahabang range na missile ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), kabilang ang Khorramshahr at Sejjil systems, ay may tinatayang saklaw lamang na 2,000 hanggang 2,500 kilometro, na hindi sapat upang maabot ang mga target lampas sa Gulf region.

“These will not even reach the US base in Diego Garcia in the Indian Ocean,” aniya. “Their capabilities are only designed for the Gulf states.”

Pinabulaanan din niya ang mga kumakalat na pahayag sa social media na maaaring targetin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa at hinikayat ang publiko na umasa lamang sa beripikadong impormasyon.

“Let us be very clear. We should be able to identify the issues on hand so as not to be spreading information which are not verified and which could cause undue alarm sa ating mga kababayan,” aniya.

Muli niyang iginiit na ang mga EDCA site ay nananatiling pasilidad na nasa ilalim ng soberanya ng Pilipinas.

“They are not US bases, just to put the record straight,” diin niya.

Dagdag pa niya, pinagtibay ng Korte Suprema noong 2016 ang konstitusyonalidad ng EDCA at kinilala na nananatiling pag-aari at kontrolado ng Pilipinas ang mga naturang pasilidad. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here