Home HOME BANNER STORY Crisis alert level sa Middle East, nakataas pa rin para sa Pinoys...

Crisis alert level sa Middle East, nakataas pa rin para sa Pinoys – DFA

137
0

MANILA, Philippines – Nananatiling umiiral ang mga crisis alert level para sa mga Pilipino sa Middle East sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Department of Foreign Affairs continues to coordinate closely with Philippine Foreign Service Posts in the region and has actively monitored the situation over the past 72 hours to ascertain the status of Filipinos in their respective jurisdictions. Our Posts remain on the ground and vigilant,” ayon sa pahayag ng DFA.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang Alert Level 1 o precautionary phase ay ipinaiiral “when there are signs of internal disturbance or instability, or when an external threat is limited to a specific area.”

Itinataas ang Alert Level 2 kapag kumalat ang karahasan o nagiging banta ang pag-atake, habang ang Alert Level 3 ay idinedeklara kapag lalong lumalala ang kaguluhan. Ayon sa DFA, ang Alert Level 3 ay nangangahulugan din ng mandatory evacuation dahil sa malawakang civil conflict o ganap na pag-atake.

Nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Jordan, kung saan may 41,462 OFWs. Nasa Alert Level 2 naman ang Iran, Kurdistan, Israel at West Bank, at pinapayuhan ang mga Pilipino roon na manatili sa kanilang kinaroroonan, umiwas sa high-risk areas, at limitahan ang pagbiyahe. Nasa Alert Level 3 ang Iraq at Lebanon, habang nasa Alert Level 4 ang Gaza dahil sa malawakang labanan.

May 30,347 OFWs sa Israel at 823 sa Iran, habang may kabuuang 411 OFWs sa Gaza at West Bank, ayon sa DFA.

Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na sapat na ang deklarasyon ng Alert Level 2 upang magpatupad ng deployment ban para sa mga bagong hire na OFWs.

Hinimok naman ni Overseas Workers Welfare Administration chief Patricia Yvonne Caunan ang mga apektadong OFWs at kanilang pamilya na subaybayan ang mga update at emergency hotlines ng DFA, DMW, at OWWA.

Naglabas din ang DFA ng updated contact information ng mga embahada at migrant offices sa Middle East para sa agarang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here