Home METRO Mga kalsada sa Maynila na isasara para sa Chinese New Year 2025...

Mga kalsada sa Maynila na isasara para sa Chinese New Year 2025 alamin

MANILA, Philippines- Isasara ang ilang kalsada sa Maynila simula sa Martes ng gabi para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa abiso, sinabi ng Manila Police District-Public Information Office na hindi madaraanan ng mga sasakyan ang mga sumusunod na kalsada simula alas-9 ng gabi, Enero 28:

  • Kahabaan ng Quintin Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmarinas Street;

  • Jones Bridge;

  • Plaza Cervantes;

  • Binondo-Intramuros Bridge

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong kalsada. RNT/SA