MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista sa ilang lugar sa Pasay City at Manila ang mas mabagal na daloy ng trapiko tuwing weekends sa pagsisimula ng road reblocking works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng P. Zamora Street sa Pasay City hanggang EDSA Taft Avenue Extension.
Sa ulat nitong Linggo, ilang road sections sa lugar ang isasara tuwing weekend sa loob ng 10 linggo upang bigyang-daan ang rehabilitasyon.
Tatagal ang road reblocking hanggang March 24.
Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala. RNT/SA