
MANILA, Philippines- Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta ngayong weekend dahil sa ikinasang road reblocking at repairs sa EDSA.
Magsasagawa ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ng reblocking at repairs sa mga sumusunod na lugar, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA):
EDSA southbound mula West Avenue hanggang MRT North Avenue Station sa Quezon City, 4th lane mula sa gitna; at
EDSA southbound mula Bansalangin Street hanggang West Avenue sa Quezon City, 4th lane mula sa gitna.