Home NATIONWIDE Mga kalsadang isasara sa pista ng Sto. Niño de Tondo, alamin!

Mga kalsadang isasara sa pista ng Sto. Niño de Tondo, alamin!

232
0

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Manila Police District (MPD) ang listahan ng mga kalsadang pansamantalang isasara upang bigyan daan ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo sa Enero 18.

Ayon sa abiso, kaliwa’t-kanang aktibidad ang gaganapin na inaasahang dadagsa ang libu-libong deboto. Partikular na isasara ang mga kalsada sa paligid ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo.

Ilan sa mga kalsadang isasara ay ang bahagi ng:

Moriones / Sta. Maria

Moriones / J. Nolasco

Moriones / N. Zamora

Asuncion / Morga

Asuncion / Ortega

Juan Luna / Morga

Juan Luna / Chacon

P. Herrera / Cano

P. Herrera / Ylaya

Lakandula / Carmen Planas

Nabatid na mula alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 17 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 18 ay isasara ang mga nabanggit na kalsada.

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ay ang Lakbayaw Festival bandang alas-7:00 ng umaga ng Sabado sa Tondo, habang ang Buling-bulong Festival ay gaganapin sa Pandacan sa Linggo ng umaga.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here