Home NATIONWIDE Mga kandidato pinaalalahanan, bawal mangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo

Mga kandidato pinaalalahanan, bawal mangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ang mga kandidato na bawal mangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na maghain ng reklamo laban sa kandidato na mahuhuli sa akto na lumalabag sa election laws o kaya ay mag-ulat kaagad sa mga awtoridad at tiyaking sapat ang mga ebidensya para suportahan ang reklamo.

Samantala, pinaalalahanan din ng Department of Education ang mga school heads sa rules and regulations sa pag-iimbita ng mga kandidato sa moving-up at recognition ceremonies.

Kapag hindi naman maiwasan sa ganitong seremonya ang presensya ng mga kandidato, dapat umanong humingi ng permiso ang mga eskuwelahan sa Comelec.

Ang panahon ng halalan sa bansa ay sa Mayo 12 kung saan tiniyak ng Comelec na 100 percent na itong handa. Jocelyn Tabangcura-Domenden