MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ang isang shipping company dahil hinayaang magsakay ng sobra-sobrang pasahero.
Sa kanyang pag-iikot sa Manila North Port Terminal, nagbenta ng sobra-sobrang tiket ang kumpanya kaya may mga pasaherong hindi nakasakay dahil naabot na sa full capacity ang barko.
Ayon kay Dizon, posibleng nagkaroon ng overloading kung hindi mahigpit ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG).
Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si CG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan habang sumasailalim pa sa imbestigasyon ang insidente.
Giit ni Dizon, ang ganitong sitwasyon ay maaaring humantong sa disgrasya sa dagat kung nakalusot.
Babala ng kalihim, mahaharap sa ibat-ibang parusa kabilang na ang multa laban sa mga sangkot kung mapatunayan ang paglabag. Jocelyn Tabangcura-Domenden