Home NATIONWIDE P6.759M shabu na itinago sa ismagel na piyesa ng sasakyan, nasabat ng...

P6.759M shabu na itinago sa ismagel na piyesa ng sasakyan, nasabat ng BOC

MANILA, Philippines – NASA mahigit P6.7 milyon halaga ng Methamphetamine Hydrochloride o “shabu,” ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)- Port of Clark makaraang madiskubre itong nakatago sa mga ismagel na piyesa ng sasakyan na nagmula sa East Africa.

Nabatid sa BOC na ang nasabing kargamento ay naglalaman ng metal wheel bearing kung saan nagmula ito sa Bujumbura, East Africa at ipapadala sana sa Cavite City.

Nauna dito, isinailalim sa X-ray screening ang nasabing kargamento at nag-udyok ng pisikal na pagsusuri na kung saan nadiskubre ang isang brown na kahon na naglalaman ng metal wheel bearing na may apat na pakete na nakabalot sa brown packing tape, bawat isa ay puno ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride o “Shabu.”

Kasunod nito, ang mga sample ay isinumite sa PDEA para sa pagsusuri sa laboratoryo, na nag-verify ng substance bilang Methamphetamine Hydrochloride, isang ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng amyendahan na mga probisyon ng Republic Act No. 9165.

Tinatayang nasa 994 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o “shabu,” na may tinatayang halagang P6,759,200.00 ang nadiskubre ng mga awtoridad.

“A Warrant of Seizure and Detention was issued for the shipment for violation of Sections 118(g), 119(d), and 1113 paragraphs (f), (i), and (l) (3 and 4) of R.A. No. 10863, also known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165, as amended,” saad ng BOC. JAY Reyes