BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Bagsak sa kulungan ang inabot ng dalawang kabataan matapos matiklo sa ikinasang drug buybust operation ng mga otoridad sa Barangay Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.
KInilala ang suspek na sina alyas “Sherwin” at alyas “JLO”, parehong edad 19, walang trabaho at kapwa residente ng Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nabili umano ng pulis na umaktong buyer mula sa dalawang suspek ang tatlong (3) maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang marijuana “kush” na may timbang na tatlong (3) gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P3,800.00.
Bukod dito, nakuha mula sa pag-iingat ng mga suspek ang siyam (9) pang pakete ng hinihinalang marijuana “kush” na tumitimbang ng 10 gramo at may pagtayang halaga na P12,000.00; isang puting cellophane na naglalaman ng dried marijuana leaves, stalks, at fruiting tops na may bigat na 150 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P18,000.00.; isang vape cartridge na naglalaman ng hinihinalang marijuana oil na may bigat na 1ml at standard drug price na P3,000.00 at iba’t-ibang drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO