Home NATIONWIDE NAIA OFW Lounge magkakaroon ng mga kama, shower room

NAIA OFW Lounge magkakaroon ng mga kama, shower room

MANILA, Philippines – Plano ng operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maglagay ng special rest area na magkakaroon ng mga kama, massage chairs, at shower room para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na may layover ng hanggang walong oras.

Sa abiso na inilabas sa social media, sinabi ng NAIA na pinatatakbo ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) β€” na magkakaroon ng special rest area, na magkakaroon din ng locker rooms.

Iaalok sa OFW Lounge ang libreng pagkain, inumin, charging station at wifi na matatagpuan sa bagong immigration area sa Terminal 3.

Ang lounge sa Terminal 1 ay binuksan noong Enero.

Samantala, binuksan na rin ang dedicated OFW immigration area.

“Departing OFWs no longer need to line up at the regular counters.”

β€œNew NAIA Infra Corp. is working to make your airport experience more comfortable β€” because you deserve nothing less,” sinabi pa sa abiso. RNT/JGC