Home NATIONWIDE Mga kandidato sa 2025 polls nagsuko ng mga baril

Mga kandidato sa 2025 polls nagsuko ng mga baril

MANILA, Philippines – MAY kabuuang 3,138 ng ibat-ibang uri ng baril, kabilang ang mga isinurender for safe keeping ng mga retiradong police officials, kandidato para sa darating na eleksyon at security aide ng mga pulitiko at nakumpiska ang iprinisinta kahapon, Pebrero 3 sa Camp Vicente Lim, Calamba City,Laguna.

Pinangunahan ni PLt.Gen. Robert T. Rodriguez, OIC, ODCO, Commander STF 2025 NLE and BARMM PE, Atty. Owen De Luna, Regional Director ng Napolcom 4A, Atty. Margaret Joice N. Reyes-Cortez/ARED,COMELEC 4A, PMaj. Gen. Ronald O.Lee / NPTI Director, Eng. Allan A.Salvatus/ LGOO IV, PCol.Dominic A.Baccay /OIC ODRDO at PCol Melvin Napilot /OIC ODRDA, sa pamumuno ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO Calabarzon.

Kabilang sa mga narekober sa mga lalawigan ng Calabarzon na nasa 10,074 na operasyon sa pamamagitan ng checkpoints, search warrants, at Oplan Bakal na humantong sa 414 ang nakumpiska at pagkaaresto sa 313 katao.

Bukod dito, nagsagawa rin ng operasyon sa Oplan Katok na humantong sa boluntaryong pagsuko o safekeeping ang nasa 1,187 na armas.

Samantala, simula Enero 12 hanggang Pebrero 2, 2025 na pagpapatupad ng gun ban ay nakarekober ng 60 ibat-ibang uri ng baril at pagkakaaresto sa 61 katao kung saan ang nasabing operasyon ay kaugnay sa F.E.E.L.S.AF.E.R. bilang programa ng kapulisan sa lalawigan ng Calabarzon.

Sa panayam kay PLt.Rodriguez, sa mga nagsuko ang mga kumakandidato para sa 2025 elections, ng kanilang mga armas na pawang mayroong mga kaukulang dokumento.

Nagpaalala rin si PBGen. Lucas sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng armas partikular sa nalalapit na Election 2025, samantalang kabilang din sa nakiisa ang mga Provincial Director mula sa lalawigan ng Calabarzon na kinabibilangan ng Laguna, Batangas, Rizal, Cavite at Quezon. Ellen Apostol/Margie Bautista