Home NATIONWIDE Edwin Mercado itinalagang bagong Pangulo ng PhilHealth

Edwin Mercado itinalagang bagong Pangulo ng PhilHealth

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si orthopedic surgeon Dr. Edwin Mercado bilang bagong Pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Pinalitan ni Mercado si Emmanuel Ledesma Jr.

Sa harap ng Pangulo ay nanumpa si Mercado para sa kanyang bagong posisyon, araw ng Martes, Pebrero 4.

Ang appointment ni Mercado ay matapos na ituring ng ilang health advocates ang paglilipat ng P60 bilyong pondo ng PhilHealtht sa national treasury ay isang “murder” sa Universal Healthcare.

Sa ngayon, nailipat ng PhilHealth ang P60 billion sa national treasury kung saan P29.9 billion na lamang ang natitira sa ahensiya.

May kabuuang P89.9 billion excess funds ng PhilHealth ang inaasahan na ililipat sa Philhealth sa “staggered basis”.

Si Mercado ay nagsilbi bilang vice chairman ng Mercado General Hospital/Qualimed Health Network simula pa noong March 2021 kung saan nagpakita siya ng pamumuno at maging bilang executive at strategic planning expertise.

Isa rin siya ng Doctor of Medicine graduate ng University of the Philippines noong 1987, Natapos naman ni Mercado ang Master of Medical Sciences in Global Health Delivery mula Harvard Medical School noong 2023.

Isa rin siyang Executive Master’s sa Healthcare Administration mula sa University of North Carolina sa Estados Unidos.

“Mercado did advocacy work with the Zuellig Family Foundation and several Department of Health’s Centers for Health Development,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO). Kris Jose