Home NATIONWIDE Mga kandidato sa Antipolo special polls pinaalalahanan ng Comelec vs diskriminasyon

Mga kandidato sa Antipolo special polls pinaalalahanan ng Comelec vs diskriminasyon

203
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na pagpapatupad ng anti-discrimination resolution ang Commission on Elections (Comelec) at pinaalalahanan ang mga kandidato na iwasan ang personal at below-the-belt na atake.

Ito ang iginiit ni Comelec Chairman George Garcia sa nalalapit na special elections para sa ikalawang distrito ng Antipolo City kung saan may pitong opisyal na kandidato para punan ang na bakanteng pwesto ng yumaong si Rep. Romeo Acop.

Ayon sa Comelec, hindi inaasahang magiging mainit ang kampanya bagamat inaasahan ang pagiging masigasig ng mga kandidato.

Magkakakilala rin ang mga kandidato at nakatuon ang pansin ng Comelec sa nasabing halalan.

May mga kandidato na umano ang na-disqualify sa nakaraang mga halalan dahil sa paglabag sa resolusyon, at iginiit niya na dapat igalang ang kasarian, pagkatao, at dignidad ng bawat aspirante.

Samantala, inaasahang sisimulan na ang printing ng balota ngayong gabi o bukas ng umaga sa National Printing Office.

Aabot umano ng isang linggo ang proseso dahil sa masusing beripikasyon, kabilang ang pagsusuri sa kalidad ng papel, tamang sukat at hiwa ng balota, at pagtiyak na walang dumi o depekto ang mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here