Home NATIONWIDE Mga kontraktor sa team ni Sec. Dizon, ibinunyag ng solon

Mga kontraktor sa team ni Sec. Dizon, ibinunyag ng solon

289
0

Manila, Philippines – Hinamon ni Batangas Rep. Leandro Leviste si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na ilantad ang mga kontraktor na di umano’y konektado sa kaniyang tanggapan, konektado sa iba pang opisyal ng DPWH at ang ilan naman aniya sa team ng kalihim ay mga kontraktor mismo. 

Sa press conference kahapon ng hapon ay binigyang diin ni Leviste na hindi lamang siya ang umaasa na si Secretary Dizon ay makatulong upang maresolba at masawata ang malawakang korapsyon at “kickbacks” na kinukuha mula sa alokasyon ng flood control projects ng DPWH kung di ang mga Pilipino.

“I heard that Secretary Dizon and his team have connections with contractors and in the interest of transparency should disclose all of their connections with contractors, and any knowledge that they have and the possibility of kickbacks from DPWH projects. I am asking Secretary Dizon to disclose any and all of his team’s connections with current, past or potential future contractors of DPWH projects,” ani Leviste.

Binigyang diin pa ng batang mambabatas na bilang kinatawan ng kaniyang distrito sa Batangas ay gampanin niyang makakuha at mahanapan ng pondo ang mga proyekto sa nasasakupan niyang lugar kung kaya marapat lamang na maipatupad ang “fair share” sa lahat.

“It is my job to bring on projects in my district, dapat mabigyan ng “fair share.” But what we are asking were more transparency.”

Inudyukan din ni Leviste si Dizon na ipaliwanag kung ano ang pagkakaiba sa alokasyon ng DPWH sa 2026 National Expenditure Program (NEP) na isinumite sa Kongreso ni dating Secretary Manuel Bonoan na nabawasan naman ngunit nagkaroon din ng mga dagdag na alokasyon nang muling magsumite ng NEP ang DPWH nitong Setyembre lamang. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here