Home METRO Trike drayber, utas sa riding in tandem sa Cavite

Trike drayber, utas sa riding in tandem sa Cavite

328
0

CAVITE, Philippines – Isang tricycle driver ang namatay matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang nakaupo sa kanyang tricycle sa Naic, Cavite.

Ayon sa report, kaagad na dinala ang biktimang si alyas Michael sa San Lorenzo Hospital ngunit inilipat din sa Tanza Medical Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay nang makarating pagamutan.

Nabatid na sakay ng sa isang kulay itim na motorsiklong Aerox ang mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat, bandang alas-7:45 ng umaga kahapon nang naganap ang insidente sa Brgy. Sabang, ng nasabing bayan kung saan nakaupo sa driver side ng kanyang tricycle nang lapitan ng mga suspek at barilin ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sa direksyon ng munisipyo habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing kaso. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here