Home NATIONWIDE Mga kumukwestyon sa 2025 national budget nadagdagan pa

Mga kumukwestyon sa 2025 national budget nadagdagan pa

MANILA, Philippines – Hiniling sa Supreme Court ng ilang cause-oriented group na ipawalang bisa ang 2025 national budget.

Naksaad sa inihain na petition for certiorari ng mga grupong Teachers Dignity Coalition, Freedom from Debt Coalition, at Philippine Alliamce of Human Rights Advocates, labag sa Saligang Batas ang 2025 budget dahil sa mas malaking inilaan na budget para sa mga infrastructure projects kesa sa pang-edukasyon.

Partikular na ang P1.05 trillion na pondo para sa DPWH kumpara sa P913.3 bilyon na pinagsama-sama na pondo ng DEPED, CHED, TESDA, at mga state colleges at universities.

Pinuna rin ng mga grupo ang reclassification ng gobyerno sa pondo para ipalabas na pinakamalaking bahagi ang mapupunta sa sektor ng edukasyon.

Umapela sa SC ang mga petitioners na magpalabas ng writ of prohibition para mapigilan ang Malacanang at ang Kongreso na magamit ang pondo. TERESA TAVARES