Home ENTERTAINMENT Anak ni VG Marc, kukuning ninang si Kris!

Anak ni VG Marc, kukuning ninang si Kris!

Manila, Philippines- TK. It stands for Tita Kris.

Ito ang nakasanayan nang itawag ni Ronin kay Kris Aquino, ang dating nobya ng kanyang amang si Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Together with his girlfriend Andrea, dinalaw nga ni Ronin si Kris sa tahanan nito.

Ibig lang sabihin, all is not lost between Kris and Ronin’s family kahit nag-break na sila ni Marc.

Puring-puri nga ni Ronin si Kris na sa kabila ng kalagayan nito’y pinaghanda pa sila ng diiner.

“Super sarap na lechon galing sa Tarlac” ang pinagsaluhan nila.

Ronin finds comfort in staying in one room with Kris sa tuwing doon sila mag-i-sleep over.

Pangako ni Kris as soon as she gets well ay gusto niyang umikot sa Lian, Batangas para makilala ang mga katrabaho doon ni Ronin at kapatid nitong si C2.

Ibinida rin ni Ronin na si Kris ang nag-sponsor sa e-library ng Matabungkay National High School.

Looking forward din daw si Kris na mag-barbecue sa balsa.

Bukod dito’y interesado ring bumili ng properties doon ang Queen of All Media.

Matatandaang after Marc ay si Dr. Mike Padlan ang sumunod na naging nobyo ni Kris.

Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon, samantalang si Aira Lopez ang kasalukuyang nobya ni Marc.

Balak ni Ronin na kuning ninang si Kris sa kanyang kasal. Ronnie Carrasco IiI