Home NATIONWIDE Mga labi ng Pinay na pinaslang sa Slovenia iuuwi sa Pinas

Mga labi ng Pinay na pinaslang sa Slovenia iuuwi sa Pinas

MANILA, Philippines- Inihahanda na ang pagpapauwi sa Filipina migrant na umano’y pinaslang ng kanyang asawa sa Slovenia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.

Binanggit ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Vienna, namamahala sa Slovenia, hinggil sa repatriation efforts, na popondohan ng DFA.

Ayon kay Philippine Ambassador to Austria Evangelina Lourdes Arroyo-Bernas, ang Slovenian government ay “very cooperative” ukol dito. Binanggit din ni De Vega ang mahalagang papel ng Philippine Honorary Consul sa Bratislava sa pagkalap ng impormasyon at pangangasiwa sa koordinasyon.

Pinaslang umano ang biktimang kinilala bilang si Marvil Facturan, ng kanyang asawa na si Mitja Kocjancic, sa isang bakasyon sa Bled, Slovenia, noong December 29, ayon sa pahayag ng Commission on Filipinos Overseas nitong Biyernes.

“We extend our thoughts and prayers to Marvil’s family. We stand in solidarity with them, condemning acts of domestic violence, seeking justice for our kababayan, and honoring the beautiful life she lived,” anito. RNT/SA