MANILA, Philippines – Inalerto na ng Department of Interior and Local Governemnt (DILG) ang mga local government units sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyong Paolo sa bansa.
Sa panayam kay Interior secretary Jonvic Remulla sa Department of Justice (DOJ), ipinag-utos na ang direktiba ng paghahanda sa epekto ng bagyo.
Nakaalerto na rin ang Office of Civil Defense at handa na ang mga evacuation centers para sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.
Nakahanda na rin aniya ang food packs na ipamamahagi ng DSWD.
Samantala, matapos ang pagtama ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu, mas pinaigting din ng DILG ang seguridad para maiwasan ang anumang karahasan.
Ayon kay Remulla, sinisiguro nilang walang looting, sexual abuse sa mga relocation at walang nakawan sa mga naiiwang bahay.
Kasunod ng nangyaring pagyanig sa Bogo City, pinapasilip na rin ng DILG kung ang mga gusali o imprastraktura kung ito ay nakasunod ba sa building standards. Jocelyn Tabangcura-Domenden