Home NATIONWIDE Suspek sa pambibiktima sa mga pensioner sa illegal investment scheme, laglag sa...

Suspek sa pambibiktima sa mga pensioner sa illegal investment scheme, laglag sa NBI

280
0

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), ang isang indibidwal sa Cubao, Quezon City dahil sa illegal investment scheme na target ang mga pensioners.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo na inihain sa NBI-NCR kaugnay sa umano’y illegal investment scheme.

Ang grupo na pinamumunuan ng suspek na si alyas Dominga ay nagso-solicit ng pondo sa publiko kung saan nangako na maibabalik ito ng mas mataas ngunit nag-ooperate nang walang kaukulang lisensya mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon sa complainant, ang lump sum pension ng kanilang grupo na P900,000.00 ay ipinagkatiwala kay Dominga, na nag-iwan lamang sa kanila ng P120,000.00.

Ang mga pagtatangka ng complainant na mabawi ang kanyang pera ay hindi matagumpay, dahil ang mga pondo ay kontrolado umano ng suspek.

Natuklasan din na ilang indibidwal ang katulad na panloloko ng gurpo na nagpatakbo nang walang awtorisadong SEC reigstration upang manghingi ng mga pamumuhunan.

Ang modus ng grupo ay nagsasangkot ng pag-recruit ng mga investors upang tustusan ang mga pautang para sa mga dapat sana’y mga retiradong sundalo, pangongolekta ng mga bayad sa pagproseso, at maling paggamit ng mga nalikom, habang nagbibigay lamang ng kaunting kita sa mga mamumuhunan at nanghihiram.

Agad namang nagkasa ng entrapment operation sa isang mall sa Cubao, Quezon City ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaretso ng suspek matapos siyang tumanggap ng isang milyon piso mula sa mga complainant. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here