Home NATIONWIDE Mga LGU pinaghahanda ng DILG sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Mga LGU pinaghahanda ng DILG sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal sa Batangas at Cavite na maghanda at siguruhin ang kaligtasan ng publiko sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon sa DILG, lahat ng local officials ay dapat na manatiling alerto sa posibleng pagtataas sa Alert Level 2 status ng bulkan, na matatandaang nakapagtala ng serye ng minor steam-driven, gas-driven at phreatomagmatic (when water meets magma) eruptions sa nakalipas na linggo.

“Establish and strictly implement the critical preparedness actions based on Operation Listo protocols for volcanic eruption Taal volcano, and your respective contingency plans for guidance on the necessary actions to be undertaken,” saad sa abiso ng DILG Undersecretary Marlo Iringan.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Oktubre 5 na posibleng itaas sa Alert Level 2 ang babala sa bulkan kung magpapatuloy pa o mas titindi pa ang phreatomagmatic activity nito.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nangangahulugang “it is still in abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest nor ceased the threat of eruptive activity.” RNT/JGC