Home NATIONWIDE Mga lugar sa Visayas binaha sa malakas na ulan

Mga lugar sa Visayas binaha sa malakas na ulan

182
0

MANILA, Philippines — Ilang lugar sa Visayas ang binaha matapos ang malalakas na pag-ulan na dulot ng shear line, na nagresulta sa suspensyon ng klase at paglikas ng libo-libong residente.

Suspendido ang klase mula kindergarten hanggang senior high school sa Tacloban City nitong Lunes, Pebrero 2, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, kasunod ng pag-iral ng orange rainfall warning na nagbabala ng matindi hanggang torrential na pag-ulan. Nagpatuloy naman ang mga klase sa antas kolehiyo.

Kasabay ng masamang panahon, pitong estudyante ang nailigtas matapos lumubog ang sinasakyan nilang maliit na bangka sa bahagi ng Barangay 102, Old Kawayan, bandang tanghali.

Ilang mabababang lugar sa Tacloban ang nakaranas ng pagbaha dahil sa naipong tubig-ulan.

Pinayuhan ang mga residente, lalo na ang mga nasa flood-prone at coastal areas, na manatiling alerto habang patuloy ang epekto ng shear line.

Samantala sa Negros Occidental, nanawagan si Toboso Mayor Richard Jaojoco sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na imbestigahan ang isang kalsada sa Barangay San Isidro na muling gumuho noong Enero 31, sa kabila ng mga naunang pagkukumpuni.

Nagkaroon din ng anim na landslide sa Toboso na nagdulot ng suspensyon ng klase at pagkasira ng mga ari-arian.

Sa Bacolod City at iba pang bahagi ng Negros Occidental, nagdulot ang patuloy na pag-ulan ng pagbaha at landslide na nagpilit sa mahigit 5,000 residente na lumikas mula pa noong Enero 31. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here