Home NATIONWIDE Mga magsasakang may makinarya makatatanggap ng P510M fuel subsidies

Mga magsasakang may makinarya makatatanggap ng P510M fuel subsidies

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng mahigit P510 milyong fuel subsidies sa halos 160,000 magsasaka na nagmamay-ari o rumerenta ng makinarya para sa  crop, livestock, at poultry production.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo na naglaan ito ng P510.447 milyon para sa mga magsasakang naka-enroll sa Registry  System for Basic Sectors of Agriculture na may agricultural machinery at equipment, kung saan makatatanggap ang mga ito ng fuel subsidy na P3,000.

Ipamimigay ng DA ang subsidiya sa pamamagitan ng assistance cards mula sa Development Bank of the Philippines (DBP), sa implementasyong pinangangasiwaan ng Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering and Regional Field Offices ng DA.

Subalit, sinabi ng DA na depende ito sa sertipikasyon ng Department of Energy (DOE) na ang average monthly price ng Dubai crude oil per barrel ay umabot sa $80 base sa Mean of Platts Singapore.

Batay sa market data, inihayag ng DA na bumaba ang presyo sa pagitan ng $78.48 at $86.50 per barrel mula Hunyo 3 hanggang Hulyo 1, na “indicates that the distribution of the fuel subsidies could commence later in July.”

“This is just one of the several assistance projects that the Marcos administration provides to ease the burden of our farmers, the unsung heroes of our economy and the main pillar of our food security goal,” ani Tiu Laurel.

Inilahad ng ahensya na alinsunod ang inisyatiba sa isang memorandum order, na hindi pa available ang kopya sa website ng departamento. RNT/SA