Home NATIONWIDE Pakikiisa ng mga Pinoy vs WPS disinformation sa socmed inihirit ng AFP

Pakikiisa ng mga Pinoy vs WPS disinformation sa socmed inihirit ng AFP

MANILA, Philippines- Dapat gamitin ng mga Pilipino ang kanilang social media accounts upang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon kaugnay ng mga isyu sa West Philippine Sea, base sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Linggo.

“Ang panawagan natin na makatulong ang bawat isa sa ating mga kababayan na ipakalat sa mundo ang katotohanan tungkol dito sa [mga issues ng West Philippine Sea],” pahayag ni AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa isang panayam.

Sa ilalim ng Communication Plan Mulat (Awakened) for the West Philippine Sea nito, nilalayon ng AFP “to bolster transparency, counter disinformation, and enhance public awareness regarding the Philippines’ rights and interests in the region.”

“By enhancing public awareness and rallying patriotic sentiment, the plan aims to unite Filipinos in advocating for the nation’s interests and contributing to a more resilient Philippines,” anang AFP.

Ani Padilla, kabilang sa Complan Mulat ang transparency initiative ng AFP sa news organizations.

“The Philippines has a great online presence,” giit ni Padilla. “The truth is on our side, the law is on our side.”

Nauna nang nagbabala si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. laban sa “united front works” ng China na nilalayong hatiin ang mga Pilipino, subalit hindi pinangalanan ang anumang grupo o indibidiwal.

Matatandaang sinabi ng AFP na kumakalat kamakailan ang “fake news” upang magtanim ng takot sa publiko. RNT/SA