Home METRO Mga mananakay aasistihan ng NCRPO sa gitna ng transport strike

Mga mananakay aasistihan ng NCRPO sa gitna ng transport strike

MANILA, Philippines- Nag-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga sasakyan upang mag-alok ng libreng sakay sa mga commuter na apektado ng three-day transport strike ng grupong Manibela simula ngayong Lunes.

Sinabi ni NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo nitong Linggo na nag-deploy din ang ilang local government units, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng assets upang asistihan ang mga apektadong mananakay.

Gayundin, sinabi ng opisyal na nasa 8,000 tauhan, kabilang ang halos 2,500 mula sa Civil Disturbance and Management unit, ang ipakakalat.

Kinumpirma ng MMDA na naghanda ito ng mga sasakyan para sa vehicles libreng sakay (free ride) sa pakikipagtulungan sa LGUs. RNT/SA