MANILA, Philippines- Magpapatupad ang NLEX Corporation ng pansamantalang toll relief sa northbound portion ng expressway mula Balintawak hanggang Meycauayan simula ngayong Lunes ng tanghali, inanunsyo nito noong Linggo.
“This relief will remain in effect until all four lanes of the Marilao northbound area are reopened,” saad sa social media post nito.
Pinayuhan din ng NLEX Corporation ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta dahil isasara ang ilang bahagi sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge Northbound para sa safety repair works ngayong linggo.
Kasado ang pagkumpuni mula March 24 ng ala-1 ng hapon hanggang March 28 ng alas-11 ng gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden