
MANILA, Philippines- Nag-anunsyo ang ilang unibersidad sa Metro Manila ng pagbabago sa modes of learning ngayong Lunes, March 24, bilang tugon sa transport strike na inorganisa ng transport group na Manibela.
Magsasagawa ang mga apektadong paaralan ng online learning dahil sa inaasahang pagkaantala sa public transportation:
Polytechnic University of the Philippines: Magsasagawa ng synchronous online class sa lahat ng National Capital Region campuses, kabilang ang College of Law, sa March 24.
Adamson University: Kasado ang synchronous online class sa lahat ng lebel sa March 24.
Philippine Normal University: Lilipat sa synchronous online learning sa March 24.
Colegio de San Juan de Letran: Paiiralin ang synchronous online class sa March 24.
University of the East: Magsasagawa ng synchronous online class mula March 25 hanggang 26, kung saan ang March 24 ay magiging asynchronous offsite day sa ilalim ng Unified Flexible UE Learning (FUEL) system.
De La Salle University: Magkakasa ng online class para sa senior high school, undergraduate, at graduate classes sa Manila at Laguna campuses mula March 24 hanggang 26.
Far Eastern University: Kasado ang online classes para sa lahat ng lebel sa March 24.
Mapua University: Lilipat ang senior high school classes sa Intramuros at Makati campuses sa synchronous online mode sa March 24.
University of Santo Tomas: Ipatutupad ng UST ang “Enriched Virtual Mode of Instruction” nito sa March 24.
Trinity University of Asia: Magsasagawa ng online synchronous classes sa March 24 maliban na lamang kung magdeklara ng suspensyon ang Malacañang o ang Quezon City government.
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila: Online lahat ng klase sa March 24, maliban sa nagsasagawa ng clerkships, internships, RLE, OJT, at thesis defenses.