MANILA, Philippines- Inaasahang walang lugar sa bansa na makararanas ng “danger level” heat index ngayong Lunes, March 24, 2025, base sa PAGASA nitong Linggo.
Itinuturing ang heat index sa pagitan ng 42°C at 51°C na nasa danger category,
Batay sa bulletin, sinabi ng state weather bureau na inaasahan ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong Lunes sa 39°C, na mararamdaman sa Coron, Palawan at Hinatuan, Surigao Del Sur.
Samantala, nakaamba namang maitala ang 37°C heat index sa NAIA Pasay City station habang posibleng masukat ng Science Garden, Quezon City ang heat index na 32°C.
Hinimok ng state weather bureau sa publiko na limitahan ang outdoor activity, manatiling hydrated, at magsuot ng maaliwalas na kasuotan upang makaiwas sa heat-related illnesses. RNT/SA