MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng mahigit P420 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa draw nitong Martes, Oktubre 20, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang tumama sa winning combination na 56-45-52-54-39-32 para maiuwi sana ang P420,158,396.49 jackpot.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, na may winning combination na 48-01-23-15-26-40 at jackpot na P58,052,134.93.
Hindi rin nahulaan ang Lotto 6/42 combination na 20-26-30-42-15-07, kaya walang nakakuha ng P10 milyong jackpot.
Huling nagkaroon ng jackpot winner sa Ultra Lotto 6/58 noong Marso 17, nang isang senior citizen ang solong nakakuha ng P100.331 milyon. RNT