Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa 6/55, 6/45; Grand Lotto jackpot, sumirit sa P167M

Mga mananaya bokya sa 6/55, 6/45; Grand Lotto jackpot, sumirit sa P167M

1
0

MANILA, Philippines — Walang bettor na nakakuha ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draw nitong Lunes, Agosto 31, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang nakahula sa winning combination na 45-16-39-50-41-47 para sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na P167,342,968.67.

Hindi rin nakuha ang P34,988,306.20 jackpot ng Mega Lotto 6/45 matapos walang tumama sa kombinasyong 32-06-23-25-18-21.

Dahil walang jackpot winner, patuloy na lalaki ang premyo sa mga susunod na draw ng dalawang lotto game.

Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ginaganap naman ang Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here