MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prizes sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draws nitong Lunes, Hunyo 29, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Lumabas ang winning combination na 01-17-50-25-26-12 sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot na humigit-kumulang ₱53.06 milyon, ngunit walang tumama sa anim na numero.
Samantala, ang winning combination sa Mega Lotto 6/45 ay 33-13-06-21-18-44 na may jackpot na nasa ₱87.90 milyon. Wala ring nakakuha ng jackpot.
Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 draws tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado, habang ang Mega Lotto 6/45 draws ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. RNT