MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng mahigit P219 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Setyembre 23.
Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 29-47-22-32-50-46, na may jackpot na P219,840,000, ngunit walang bettor na nakatama sa lahat ng anim na numero.
Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45, matapos walang makakuha sa kombinasyong 44-05-04-40-45-07 para sa jackpot na P71.19 milyon.
Samantala, sa 4D Lotto, lumabas ang kombinasyong 0-7-0-1, kung saan 18 bettors ang nanalo ng tig-P45,630.
Para naman sa 3D Lotto, lumabas ang 2-8-7 sa 2 p.m. draw, 2-7-4 sa 5 p.m., at 4-1-4 sa 9 p.m.
Sa 2D Lotto, ang winning combinations ay 22-16 sa 2 p.m., 11-15 sa 5 p.m., at 04-08 sa 9 p.m. RNT