Walang tumama sa mga major lotto jackpot sa draw nitong Martes, Enero 21, kaya’t nanatiling unclaimed ang mga premyo.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 ay umakyat na sa ₱49.5 milyon matapos walang pumili ng tamang kombinasyon na 43-09-22-39-52-45.
Hindi rin napanalunan ang ₱32,733,816 na Superlotto 6/49 jackpot, dahil walang nakapili sa winning numbers na 29-47-44-19-40-32.
Samantala, ang ₱5.94 milyon na premyo ng Lotto 6/42 ay nanatili ring hindi nakuha, matapos walang nakahula ng numerong 29-19-35-30-12-15. RNT