Home NATIONWIDE Mga menor lumitaw sa confidential fund records ng OVP, Deped – PSA

Mga menor lumitaw sa confidential fund records ng OVP, Deped – PSA

1
0

MANILA, Philippines – Lumitaw na may mga menor de edad sa listahan ng mga sinasabing tumanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), ayon sa isang opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Lunes.

Sa ika-22 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande na may mga single-match entries sa kanilang verification na nagpapakitang may mga menor de edad sa mga listahan ng OVP at DepEd.

“Based po doon sa verification namin, nakita namin na as per record, meron pong 20 na menor de edad doon po sa OVP list,” ani Grande.

Ayon sa kanya, 20 menor de edad ang lumitaw sa OVP list at 5 naman sa DepEd list, batay sa kanilang birth records.

“Doon naman po sa DepEd list, based on records po, meron pong limang menor de edad based sa kanilang mga birth certificates,” dagdag niya.

Kabilang sa mga pangalang binanggit ng prosecution ang:

–Miko Alquizar – sinasabing tumanggap ng P400,000 noong Marso 28, 2023, at ipinakitang ipinanganak noong Hunyo 11, na isang taong gulang lamang noon.

–Beatrice Cuenca – sinasabing tumanggap ng P400 noong Marso 13, 2023, at ipinanganak noong Enero 7, 2022.

–Mikay delos Reyes – sinasabing tumanggap ng P200,000 noong Marso 27, 2023, at ipinanganak noong Enero 13, 2020.

Sinabi rin ni Grande na may isang record na nagpapakitang ang pinakabatang pangalan ay Marlin Sunga, na umano’y dalawang buwan lamang ang edad.

Ngunit kakaiba ang record dahil nakasaad ding ipinanganak si Sunga noong 1965 at namatay rin sa parehong taon, noong Nobyembre 2.

Nilinaw naman ni Grande na ang mga impormasyong ito ay batay lamang sa PSA records at hindi niya makumpirmang ang mga nasabing tao mismo ang aktuwal na tumanggap ng confidential funds mula sa OVP at DepEd. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here