Home NATIONWIDE Mga nasa likod ng fake video ni Marcos, tatalupan ng DOJ

Mga nasa likod ng fake video ni Marcos, tatalupan ng DOJ

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na kakasuhan nito ang mga nasa likod ng pekeng video ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinakilos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation upang imbestigahan at tukuyin kung sino ang nagpakalat ng pekeng video.

Iginiit ni Remulla na gagawin nito ang lahat ng kaukulang hakbang upang mapanagot ang uploader ng video.

Una nang kumalat ang video ng isang tao na kawangis ni Pangulong Marcos na nakitang gumagamit ng iligal na droga.

Ang naturang video na tinawag na “pulvoronic video” ay inere sa idinaos na “Maisug” rally na dinaluhan ng mga taga-suporta ng mga Duterte sa Estados Unidos.

Umalma ang pamahalaan sa kumalat na video at itinuring ito na malisyosong tangka para idestabilize ang Marcos administration. Teresa Tavares