MANILA, Philippines – Binisita ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Romeo Brawner Jr. ang lamay ng dalawang nasawing airmen sa training flight crash sa Tuba, Benguet.
Nagpaabot ng pakikiramay si Brawner sa mga naulilang pamilya at nagpasalamat sa kanilang serbisyo sa bansa.
Ipinaabot din niya ang pakikiisa ng AFP sa mga nagluluksang pamilya sa sitwasyong ito.
“The AFP continues to stand in solidarity with the families of the fallen airmen as the nation mourns their loss and honors their service,” saad sa pahayag ng AFP nitong Sabado, Mayo 23.
“Their courage, dedication, and sacrifice in the line of duty will remain a lasting testament to the professionalism and commitment of Filipino military aviators in safeguarding the country and its people,” dagdag pa.
Ang pagbagsak ng SF-260 trainer aircraft ay nangyari noong Mayo 20 sa Barangay Cabuyao sa isang navigation exercise.
Sakay nito ang dalawang piloto na bahagi ng formation ng 10 eroplano na umalis sa Fernando Air Base sa Lipa City at patungong Baguio City.
Kalaunan ay natukoy ang mga nasawi na sina First Lieutenant Ruth Angelique Pasos at Second Lieutenant Cherky Embudo. RNT/JGC