Home METRO Mga nasunugan sa Intramuros, nakatanggap ng tig-P30K ayuda

Mga nasunugan sa Intramuros, nakatanggap ng tig-P30K ayuda

158
0

MANILA, Philippines — Tumanggap ng tig-P30,000 na tulong pinansyal ang mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang sunog sa Intramuros mula sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng National Housing Authority.

Nagpasalamat si Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso kay Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at sa NHA General Manager Joeben Tai sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog noong Pebrero 25 sa Maisan area ng Intramuros.

Ayon sa ulat, dalawang katao ang nasawi sa insidente habang nasa 532 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang umabot sa P1.5 milyon ang pinsala. Iniulat na nagsimula ang sunog matapos umanong magselos ang isang lalaki.

Sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program ng NHA, tumanggap ng tig-P30,000 na tulong ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center.

“Personally, I told them that the city government will continue to collaborate with the national government, whoever is in office. When local and national efforts unite, even across party lines, the real beneficiaries are the people,” ani Domagoso.

Sinabi ng mga opisyal na personal na pinangasiwaan ng alkalde at ng mga kinatawan ng NHA ang pamamahagi ng tulong upang matiyak na agad itong makarating sa mga biktima ng sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here